Dead on arrival sa ospital ang isang ama habang nasa kritikal na kalagayan naman ang misis nito matapos looban at pagbabarilin sa loob ng mismong tahanan nito sa Sitio Pendulunan, Brgy. Dalingaoen, na sakop ng Pikit, North Cotabato.
Kinilala ang mag-asawang nasawi na sina Johari Santi, 28 anyos at ang kanyang misis na si Bai Santi, na kapwa mga residente rin ng nasabing lugar.
Ayon sa ulat, mahimbing ang tulog ng mag-asawa ng sila ay lusubin ng pitong (7) armadong kalalakihan sa pamamahay nito saka walang habas na pinagbabaril ang dalawa.
Nagawa pang bawian ng putok ng baril ni Johari ang mga kalalakihan ngunit lubha itong nasugatan matapos hagisan ng hand grenade.
Matapos maisagawa ang krimen, mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa direksyong pakanlurang bahagi ng barangay.
Kapwa nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mag-asawa na kung saan agad ding binawian ng buhay.
Nagawa pa umanong isugod sa hospital ang dalawa ngunit idineklarang dead on arrival ang dalawa.