Nasawi ang magkasintahang sina Jay Em Calibay at Venus Cuico Sy, kapwa residente ng Kidapawan City, Cotabato province, matapos bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang pampasaherong bus sa bayan ng Malalag, Davao del Sur, nitong Linggo ng umaga, Marso 23, 2025.

Ayon sa mga awtoridad, dahil sa tindi ng banggaan, agad na binawian ng buhay ang dalawa.

Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang sanhi ng aksidente at kung may pananagutan ang driver ng naturang bus.