Niratrat gamit ang 5.56mm na uri ng armas ang magbiyenan na agad nitong ikinasawi sa Sitio Sementeryo, Prk. 4, Brgy. Poblacion, Ampatuan, Maguindanao Del Sur nitong huwebes. July 04, 2024.

Kinilala ni PCapt. Giuseppe Tamayo, hepe ng Ampatuan Municipal Police Station, ang magbiyenan na sina Kalmo Butatek 80 yrs. old at Kael Nandang 48 yrs. old, pawang mga residente din ng nabanggit na lugar.

Ayon kay PCapt. Tamayo, ang biktimang si Kael ay nakatayo lamang sa labas ng bahay nito nang matiyempuhan ng mga di pa tukoy ng mga suspek atsaka pinagbabaril.

Habang ang biyenan nitong si Kalmo, ay pinagbabaril rin sa bahagi ng kanyang tiyan habang abala ito sa pagluluto sa kanilang kusina sa parehong oras na iyon.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga otoridad ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.