Walang nagawa kundi abandunahin na lamang ng dalawang magkapatid ang kanilang multicab matapos na mirakulong makaligtas ito sa pamamaril ng mga de armadong suspek sa bahagi ng Buluan sa Maguindanao Del Sur kahapon ng hapon.

Ayon kay MagSur PNP Spokesperson Capt. Guiseppe Tamayo, wala na silang inabutang mga biktima sa crimescene at tanging dalawang multicab na inabandona dahil sa tama ng bala ng baril na lamanh ang naiwan sa pinangyarihan ng krimen.

Lumalabas din sa initial findings ng pulisya na sangkot din ang mga biktima sa isang barilan laban sa mga di pa tukoy na suspek na agad naman ding nakatakas matapos rumesponde ang mga autoridad.

Patuloy naman ang hotpursuit operations at masusing imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan maging ang motibo mga sangkot sa insidente.