Sinisikap ngayon ng magkatuwang na pwersa ng PRO BAR at ng militar na mapanumbalik sa normal at mapahupa ang sitwasyon sa pagitan ng dalawang nagbabakbakan na grupo sa Barangay Tuca Manor, Bongo Island sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte.

Sa pulong balitaan na inorganisa ng PRO BAR para sa mga miyembro ng Media sinabi nito na alas sais ng umaga kahapon ng sumiklab ang girian ng dalawang panig dahilan upang magpadala ito ng mga tauhan na momonitor sa kalagayan ng mga sibilyang madadamay at maiipit sa kaguluhan.

Sinabi rin ng PRO BAR na hanggat di pa tapos ang imbestigasyon ay hindi pa nila maaring isapubliko ang motibo ng tensyon.

Aniya, tinitignan na rin nila kung may koneksyon sa mga nakaraan na insidente nitong nakaraang buwan ang kasalukuyang insidente.

Kinukumpirma pa ng pulisya ang mga impormasyong may nasawi sa tensyon ngunit wala pa aniya silang natatanggap na ulat mula sa ground.