Yumanig sa komunidad ng mga tagapagtanggol ng batas ang isang trahedya matapos ang insidente ng pamamaril sa magkasintahang abogado sa Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte kahapon ng hapon.

Kinilala ng PNP Datu Odin Sinsuat ang nasawing biktima na si Atty. Junisa Kimamao, residente ng nasabing lugar. Ginagamot at kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon sa ospital ang kanyang kasintahan na si Atty. Ibrahim Pendatu, na mula naman sa bayan ng Barira.

Nananatili namang blangko ang mga otoridad sa motibo ng krimen—kung ito ba ay may kaugnayan sa kanilang propesyon o may iba pang dahilan sa likod ng insidente.

Ayon sa mga malalapit sa magkasintahan, nakatakda na sanang ikasal ang dalawa sa mga susunod na buwan. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang biglang bumago sa takbo ng kanilang buhay.