Hindi na nakapalag ang isang lalaki matapos mahuli sa aktong pagbabaklas ng isang air conditioning unit sa Brgy. Rosary Heights 11, Cotabato City.

Kinilala ang suspek sa alyas na Prexy, residente ng Pagadian City, ayon kay Barangay Chairperson Joharto Binangon.

Ayon sa ulat, nakatunog ang security force ng barangay sa kahina-hinalang kilos ng suspek at naabutan ito habang tinatanggal ang aircon mula sa isang establisyemento. Agad itong inaresto ng mga tanod sa pangunguna ng kapitan at dinala sa Police Station 2 para sa kaukulang imbestigasyon.

Mahaharap si Prexy sa kasong pagnanakaw.

Napag-alamang isa lamang ito sa serye ng mga insidente ng nakawan sa lugar, na patuloy na tinututukan ng barangay upang mapanatili ang seguridad.