Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang bahagi ng Surigao del Norte ngayong Biyernes ng umaga, Oktubre 17, 2025, alas-7:03, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Natukoy ang sentro ng pagyanig sa layong 13 kilometro timog-silangan ng General Luna, Surigao del Norte, na may lalim na 10 kilometro.
Batay sa ulat, naramdaman ang Instrumental Intensity IV sa Cabadbaran City, Agusan del Norte; Hinunangan, San Francisco, Hinundayan, at Silago sa Southern Leyte; at Surigao City, Surigao del Norte.
Patuloy na mino-monitor ng Phivolcs ang lugar para sa posibleng mga aftershock at tiniyak na walang banta ng tsunami kasunod ng nasabing pagyanig.