Niyanig ng isang malakas na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao kaninang alas-9:58 ng umaga, Hunyo 24, 2025.
Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang lindol sa lakas na Magnitude 6.3 na may lalim na 34 kilometro at epicenter sa layong 341 kilometro hilaga-silangan ng Baganga, Davao Oriental.
Narito ang mga naitalang reported intensities:
- Intensity III: Bislig City (Surigao del Sur); Tarragona at Boston (Davao Oriental)
- Intensity II: Lingig (Surigao del Sur); Baganga, San Isidro, Mati City, Manay, Caraga (Davao Oriental); Glan (Sarangani); Tagum City (Davao del Norte); Davao City; Santa Cruz (Davao del Sur); Tulunan (Cotabato)
- Intensity I: Barobo at Tagbina (Surigao del Sur); Governor Generoso at Cateel (Davao Oriental); Digos City (Davao del Sur); M’lang (Cotabato)
Samantala, narito rin ang mga instrumental intensities mula sa seismographs:
- Intensity II: Nabunturan (Davao de Oro)
- Intensity I: Bislig City (Surigao del Sur); Matanao at Magsaysay (Davao del Sur); Davao City; Don Marcelino (Davao Occidental); Gingoog City (Misamis Oriental); Glan, Alabel, at Kiamba (Sarangani); Koronadal City (South Cotabato); General Santos City; Kidapawan City at M’lang (Cotabato)
Wala namang napaulat na pinsala o nasaktan sa insidente, subalit patuloy na mino-monitor ng mga awtoridad ang posibleng aftershocks.
Patuloy ang paalala ng PHIVOLCS sa publiko na manatiling alerto at sundin ang mga tamang hakbang pangkaligtasan tuwing may lindol.