Isang malakas na lindol na may lakas na Magnitude 7.6 ang yumanig sa bahagi ng Davao Oriental ngayong Oktubre 10, 2025, ganap na 9:43 ng umaga.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natukoy ang sentro ng pagyanig sa layong 62 kilometro timog-silangan ng bayan ng Manay, Davao Oriental, sa koordinatong 07.09° Hilagang Latitud at 127.09° Silangang Longhitud, na may lalim na 10 kilometro.

Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na abiso ng tsunami, ngunit patuloy ang monitoring at assessment ng mga awtoridad para sa mga posibleng aftershocks at pinsala. Pinapayuhan ang mga residente sa mga karatig-lalawigan ng Davao Oriental, Davao de Oro, Surigao del Sur, at Compostela Valley na manatiling alerto at sumunod sa mga paalala ng lokal na pamahalaan at ng PHIVOLCS.