Patay on the spot ang isang trabahante sa isang sagingan matapos itong barilin kagabi sa bahagi ng Sitio Linamunan Tampat, Barangay Taviran sa bayan ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao Norte.

Sa ulat ng kapulisan ng bayan, kinilala nito ang nasawi na si Datu Ilo Kunti na residente ng nasabing bayan.

Nakahandusay at naliligo na sa sariling dugo ng matagpuan ang biktima at may tama ito ng bala sa leeg, kamay maging sa katawan at sa tabi nito ay may mga natagpuang parapernalia ng iligal na droga.

Duda ng pulisya, M14 rifle ang ginamit sa pagpaslang sa biktima base sa mga basyo ng bala na nakuha sa pinangyarihan ng krimen.