Naaresto ang isang lalaki sa Barangay Pagagawan, Datu Montawal, Maguindanao del Sur matapos mahulihan ng mahigit 10 sachet ng shabu, baril, at mga bala sa kanyang bahay.

Kinilala ang suspek na si Danny Bansilan Bongkalisan, may asawa at isang magsasaka.

Inamin niyang sangkot siya sa ilegal na droga at dati nang nakulong sa kaparehong kaso.

Ang operasyon ay matagumpay sa tulong ng Pagalungan at Datu Montawal Police Stations, kasama ang ibang yunit ng PNP.

Kasalukuyang nakakulong si Bongkalisan at nahaharap sa mga kasong kriminal.