Arestado ang isang lalaki na mag-uuma sa ikinasang drug buy-bust operations ng presinto tres sa Purok Talainged, Tamontaka 1, Cotabato City.

Kinilala ng Cotabato City Police Office – Station 3 ang suspetsado na si alyas Moh, nasa wastong taong-gulang, magsasaka at residente ng Kakar Tugon ng Tamontaka 4, Cotabato City.

Base sa tala ng pulisya, nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang isang pakete ng pinaghihinalaang shabu habang nabawi rin ang perang ginamit ng mga autoridad bilang buy-bust money.

Nakakulong na sa naturang himpilan ang suspek at nakatakdang sampahan ito ng kasong may kinalaman sa RA 9165 o batas laban sa iligal at ipinagbabawal na droga.