Nasawi ang isang magsasaka matapos pagbabarilin sa Sitio Bulat, Barangay Upper Suyan, Malapatan, Sarangani, nitong nakaraang araw.
Ayon sa ulat ng mga awtoridad, nag-ugat ang insidente sa isang alitan sa pagitan ng biktima at ng suspek. Sa gitna ng tensyon, binaril ng suspek ang biktima sa tiyan, na agad namatay sa lugar.
Agad namang rumesponde ang 73rd Infantry Battalion Alpha Company, at naaresto ang suspek bago pa man lumala ang sitwasyon. Dinala ang suspek sa Malapatan Police Station para sa karagdagang imbestigasyon.
Patuloy ang police investigation, kasama ang pagsusuri ng mga dokumento at ebidensya, upang maisampa ang pormal na kaso laban sa suspek.

















