Patay ng paulanan ng bala ng baril ng mga di pa identipikadong suspek ang isang magsasaka sa bahagi ng Baryo Kaya-Kaya, Datu Abdullah Sangki Maguindanao del Sur kahapon ng hapon.
Kinilala ng Datu Abdullah Sangki PNP ang biktima na si Nasser Andal Mohammad, 51-taong gulang at taga Purok 3 Linik ng nasabing Barangay.
Sa ulat, minamaneho ng biktima ang isang aparato na gagamitin nito sa daanan ng barangay ng tambangan ito ng mga salarin.
Tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito ang dahilan upang agaran itong masawi.
Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo ng di pa tukoy na uri ng baril.
Patuloy pa sa ngayon ang pagalam sa motibo ng pagpatay sa biktimang magsasaka.