Humihimas na ngayon ng matatabang rehas at hindi ng kanyang malulusog na tanim ang isang magsasakang durugista matapos na magkasa ng isang drug buy-bust operation ang Presinto Uno ng lungsod katuwang ang Police Drug Enforcement Unit ng Cotabato City PNP at PDEA-BARMM sa bahagi ng Purok Tahir sa barangay Bagua 2 sa Cotabato City dakong alas-3 ng hapon kahapon.

Kinilala ng kapulisan ang suspek sa alyas na si Rasid, 23 na residente sa Purok Usman.

Kasalukuyang nasa kustodya na ng kapulisan ang suspek at mahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.