Naglabas ng pagsuporta ang tinaguriang MagNorte mayors o ang siyam na alkalde ng Maguindanao del Norte kay Special Assistant to the President Antonio Ernesto Floirendo ” Anton” Lagdameo, Jr.

Sa inilabas na kalatas, sinabi nila na malaki ang naiambag na tulong ni SAP Anton sa kanilang bayan at sa kanilang mga paglapit sa tanggapan nito.

Naniniwala naman ang siyam na alkalde na ginagawa lang ni Lagdameo ang tungkulin nito bilang SAP ni Pangulong Bongbong Marcos.

Dahil dito, nagkasundo ang mga alkalde na kanilang sinusuportahan ang mga gagawin at ginagawa na ng naturang SAP na si Lagdameo sabay na rin ang mataos puso nilang pasasalamat dito.

Si Lagdameo din ay tumatayong Executive Vice President ng national party na Partido Federal ng Pilipinas o PFP at kung maalala ay binanatan din siya ng mga Mangudadatu at tinawag na pakialamero sa pulitika ng BARMM at tinawag din na LINTA ng mga ito.