Nagsagawa ng courtesy visit ang mga opisyal mula sa Maguindanao del Sur, kabilang sina Gobernador Datu Ali “Datu sa Talayan” Midtimbang, Vice Governor Ustadh Hisham Nando, at dating BTA Member of Parliament Datu Midpantao M. Midtimbang, kay MILF Chair Al Haj Murad Ebrahim sa MILF-CC Hall sa Camp Darapanan, Enero 23, 2026.

Sa pagpupulong, tinalakay ang kalagayan ng lalawigan, kabilang ang usapin sa pamahalaan, kapayapaan at kaayusan, at ang progreso ng mga pangunahing development programs na ipinatutupad para sa kapakinabangan ng mamamayan.

Ayon sa MILF-CC, layunin ng pulong na mapag-usapan ang pagpapatuloy ng mga proyekto at ang koordinasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at MILF leadership para sa implementasyon ng mga programang pangkaunlaran.

Wala pang ibinigay na detalye kung ano ang mga konkretong aksyon o desisyon matapos ang pagpupulong.