Nakaschedule ang pagkawala ng kuryente sa ilang bahagi ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur bukas, Pebrero 22, 2026, ayon sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Aabot sa sampung oras ang nakatakdang brownout, mula alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, kasabay ng isinasagawang maintenance sa Dukay-Talayan 69kV line section.

Sinabi ng NGCP na maapektuhan ng maintenance ang mga substations ng Magelco sa Rajah Silongan, Kudarat, pati na rin sa Salbu at Talayan.

Nakaatang sa Magelco ang pagtukoy sa eksaktong mga lugar na mawawalan ng kuryente sa nasabing araw.

Tiniyak din ng NGCP na gagawin nila ang lahat ng paraan upang maibalik ang serbisyo ng kuryente nang mas maaga kung posible.