Nanguna sa tala ng pinakamaraming may kaso ng Dengue Fever na naadmit o naconfine sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ang Maguindanao na mayroong 382 na kaso habang pumapangalawa ang lungsod ng Cotabato na mayroong 363 at sinundan ng North Cotabato na 49.
Pumangapat ang Sultan Kudarat na may 27 at nasa panghuli ang Lanao Sur na may walo.
Samantala, mula Enero ngayong taon hanggang kasalukuyan, nasa 829 na ang kaso ng nakamamatay na Dengue na inadmit sa pagamutan habang 17 naman ang namatay dito.
Ngayon, may 5 na kaso na lamang ng Dengue Fever ang nakatala sa ospital, lima sa PEDIA at isa sa ADULT.
Pinapayuhan ng CRMC ang publiko na gawin ang mga nararapat na hakbang upang maiwasan ang nakamamatay na Dengue Fever sa komunidad maging sa kabahayan.