Napatay ng mga residente ang isang king cobra o lokal na tinatawag na banakon na may habang humigit-kumulang siyam na talampakan matapos itong pumasok sa isang bahay sa Barangay Poblacion, bayan ng T’boli, South Cotabato kahapon, Enero 19.

Batay sa viral video na in-upload ni Val Jaleco, unang namataan ng kanyang ina ang ahas sa loob ng kanilang tahanan at agad na humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Ayon sa mga saksi, walang taong nasaktan o natuklaw ng ahas bago ito napatay ng mga residente upang maiwasan ang posibleng panganib sa komunidad.

Ito na ang ikalawang insidente ng pagpasok ng king cobra sa mga kabahayan sa lalawigan ngayong buwan matapos ang naunang naitalang insidente noong Enero 17 sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.