Arestado ang dalawang lalaki matapos masabat ng mga operatiba ng Philippine National Police ang mahigit ₱16 milyong halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo sa isang operasyon sa karagatan malapit sa Sta. Cruz Island sa Zamboanga City nitong Lunes ng gabi, Pebrero 16.
Bandang alas-11:10 ng gabi nang harangin ng pinagsanib na puwersa ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company at Regional Maritime Unit 9 ang isang motorized boat na may markang “Chevrolet.” Sa pagpapatuloy ng operasyon, natuklasan din sa kalapit na lugar ang isa pang inabandonang bangka na may markang “Totoh Aice.”
Sa kabuuan, nakumpiska mula sa dalawang bangka ang 280 master cases ng hinihinalang smuggled cigarettes na may tinatayang halaga na ₱16,044,000.
Dinala ang dalawang suspek sa Zamboanga City Police Station 11 para sa dokumentasyon at kaukulang proseso, habang ang mga nakumpiskang kontrabando ay itinurn-over sa Bureau of Customs – Port of Zamboanga para sa disposisyon.

















