Apektuhan ng matinding pagbaha ang mahigit 1,100 pamilya sa Barangay Buliok, dahilan upang agad silang bigyan ng tulong ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) ng Bangsamoro Government.
Sa pakikipagtulungan ng barangay local government unit, agad na isinagawa ang relief operation para sa 1,181 apektadong pamilya. Tumanggap sila ng tig-25 kilong bigas, mga de-latang pagkain, at instant coffee bilang pansamantalang suporta.
Isa sa mga residente, si Anisa Abdurahman, 56, ay nagbahagi ng kanilang hirap matapos pasukin ng tubig ang kanilang bahay at matangay ang karamihan sa kanilang gamit.
Ang nasabing operasyon ay bahagi ng Emergency Relief Assistance program ng MSSD, na layuning tumugon sa mga agarang pangangailangan ng mga komunidad tuwing may sakuna.