Matinding pinsala ang iniwan ng nagdaang pagbaha sa sektor ng agrikultura sa lalawigan ng Maguindanao, partikular na sa mga taniman ng palay at mais.
Batay sa eksklusibong panayam ng Star FM Cotabato kay Bangsamoro Cabinet Secretary at Spokesperson Mohd Asnin Pendatun, tinatayang nasa 2,033 hektarya ng mga sakahan ang winasak ng malawakang pagbaha dulot ng sunod-sunod na pag-ulan nitong mga nagdaang araw.
Ayon kay Pendatun, tinututukan na ito ng Bangsamoro Government sa ilalim ng direktiba ni Bangsamoro ICM Sammy Gambar Macacua, kung saan binibigyang prayoridad ang rehabilitasyon ng mga naapektuhang magsasaka upang hindi maantala ang suplay ng pagkain sa buong rehiyon.
Dagdag pa ni Pendatun, kinakailangan ang agarang interbensyon upang maisalba ang kabuhayan ng mga magsasaka at matiyak ang tuloy-tuloy na produksyon ng pagkain sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).