Sa kabila nang malakas na buhos ng ulan, dinagsa pa rin ng humigit kumulang 20,000 mga miyembro at taga-suporta ang BARMM Grand Coalition o BGC General Assembly sa bayan Maluso , Basilan Province kahapon, June 30, 2024.
Ito ay pinangunahan ni Bangsamoro People’s Party (BPP) President at Basilan Congressman Mujiv Hataman, at mga alyansa nito na sina Maguindanao del Sur Gov. Mariam Sangki Mangudadatu, kanyang kabiyak na si TESDA Secretary Suharto Mangudadatu (ALITTIHAD-UKB),Lanao del Sur Vice Governor na si Mohammad Khalid Rakiin Adiong (SIAP Party), Sulu Governor Abu Sakur Tan-Chairman,SALAAM Party,Former Congresswoman Abdulghani Ajul Salapuddin,Former Congresswoman Reggie Sahali,mga alkade sa iba’t ibang bayan sa BARMM.
Nakiisa rin sa BGC ang mga taga-suporta ng alyansa mula sa Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Cotabato City at Special Geographic Area o SGA-BARMM kung saan manok ng BGC sa pagka Chief Minister sa BARMM 2025 elections si Sulu Gov. Tan.