Nasa halos kalahating bilyon o PhP 579 milyong piso ang nabayaran at naayos ng Bangsamoro Government sa mga service providers at mga suppliers nito noong Agosto taong kasalukuyan
Naging posible umano ang nasabing pagbabayad utang ng mailunsad ang Bangsamoro Task Force on Special Concerns o BTF-SC na siyang nagpalaganap ng mas maayos at malinaw na sistema ng pagbabayad at mahigpit na pagpapatupad ng mga financial at accounting rules.
Kung maaalala, nabuo ang BTF-SC matapos lagdaan ni Interim Chief Minister Abdulraof Macacua ang Executive Order No. 003 series of 2025 na ang pangunahing layunin ay mapabilis ang proseso ng pagbabayad ng pamahalaan sa mga suppliers nito
Ipinakita din aniya ng nasabing resulta ang dedikasyon ng regional government sa pananagutang pinansyal at pagiging bukas na madadagdagan pa sa mga darating na mga buwan
Kamakailan, itinatag na rin ng regional government ang Complaint Intake Form na naglalayong mapabilis ang aksyon sa mga hinaing at concerns ng mga service providers upang makatulong na mapabilis ang daloy ng ekonomiya at masiguro ang tuloy-tuloy at hindi putol na serbisyo sa rehiyon.

















