Arestado ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng Police Drug Enforcement Group-Datu Odin Sinsuat (PDEG-DOS), katuwang ang LGU at iba pang operating units, kahapon bago magtanghali sa Barangay Kakar, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Kinilala ng DOS PNP ang suspek sa alyas “Boy,” nasa hustong gulang.
Nakuha mula sa kanya ang tinatayang 75 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit ₱510,000, pati na rin ang marked money na ginamit sa operasyon.
Kasalukuyang nakakulong si alyas Boy sa Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nagbabala naman si Vice Mayor Bobsteel Sinsuat sa mga sangkot sa ilegal na droga sa bayan, at iginiit na hindi sila magdadalawang-isip na buwagin ang sinumang patuloy na masasangkot sa ganitong gawain.