Ipagmamalaking liderato na malinaw na nakatutok sa mga representasyon na kinakailangan sa Bangsamoro Parliament. Ito ang ipinagmalaki ng partidong United Bangsamoro Justice Party o UBJP matpos na maghain ito kanilang Manifestation of Intent to Participate o MIP sa tanggapan ng Komisyon sa Halalan kahapon sa ikalimang araw ng pagsusumite nito sa komisyon.
Nanguna sa paghahain ng mga dokumento sa komisyon ang pangulo ng UBJP na si Ahod Ebrahim na siyang number one nominee ng partido.
Inilahad naman ng partido sa kanilang Social Media Account ang kumpletong tala ng mga nominado na kung saan klaro at kitang kita na 30 porsyento o 12 na nominado ng partido ay galing sa representasyon ng mga kababaihan.
Kasama ni Ebrahim ang iba pang mga nominado ng UBJP nang tumulak ito patungong COMELEC upang ihain ang kanilang mga papeles sa komisyon.