Binisita ng Commander ng 5th Infantry (Star) Division na si Major General Gulliver L. Señires ang 6th Infantry (Kampilan) Division sa Camp Siongco noong Nobyembre 20, 2025. Sa kanyang pagdating, sinalubong siya ng mga opisyal, tauhan, at Civilian Human Resource ng 6ID na may pagpapahalaga at seremonya ng militar.

Si Major General Señires ay mainit na tinanggap ni Major General Jose Vladimir Cagara, Commander ng 6ID at Joint Task Force Central, kasama ang iba pang senior officers ng division. Ang pagbisita ay nagpakita ng pagpapalakas ng propesyonal na ugnayan sa pagitan ng dalawang Division at muling nagpatingkad ng kanilang pangako sa operational excellence.

Si Maj. Gen. Señires ay nagtapos sa Philippine Military Academy “Tanglaw-Diwa” Class of 1992 at nagsilbi sa iba’t ibang mahahalagang posisyon, kabilang ang Commanding Officer ng 50th Infantry (Defender) Battalion, Chief of Staff ng Training Command ng Philippine Army, at Commander ng 702nd Infantry (Defender) Brigade.

Sa kanyang military career, nakumpleto niya ang maraming kurso sa larangan ng militar at akademiko sa loob at labas ng bansa. Nagtapos siya ng Master of Strategic Affairs sa Australian National University at Master of Military Art and Science sa United States Army Command and General Staff College.

Ayon sa ulat, ang pagbisita ay nagpatibay sa kooperasyon, mutual understanding, at kahandaan ng parehong Division upang magpatuloy sa pagbibigay serbisyo sa mamamayang Pilipino.