Pinangunahan ng 2nd Mechanized Infantry “Makasag” Battalion ng Armor Division, Philippine Army, katuwang ang Pamahalaang Lokal ng Sultan sa Barongis, ang maayos na turnover ng mga loose firearms sa ilalim ng Small Arms and Light Weapons (SALW) Program na isinagawa kahapon araw, Miyerkules, Setyembre 3, 2025.

Kabilang sa mga isinukong armas ang isang Garand rifle, tatlong improvised na Ingram Uzi, isang improvised na Barrett rifle, at isang improvised grenade launcher.

Nagbigay ng kanilang mensahe ng suporta sina Sultan sa Barongis Municipal Mayor Allandatu Mamalo Angas Sr. at BGen Omar V. Orozco, Commander ng 1st Mechanized Brigade. Samantala, si LTC Felmax B. Lodriguito Jr., Commanding Officer ng 2nd Mechanized Infantry Battalion, ang nagbigay ng pangwakas na pananalita sa programa.

Ang inisyatibong ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan, komunidad, at mga puwersa ng seguridad sa pagbawas ng paglaganap ng loose firearms, tungo sa mas ligtas at mapayapang pamayanan sa Maguindanao.

Via 1st Mechanized Infantry (Maaasahan) Brigade