Pasintabi po sa mga kumakain habang nagbabasa ng balita na ito, mga Kastarnation.
Trending ngayon sa social media at sa bansang Tsina ang iba’t ibang footage at anggulo ng insidente ng malakas na pagsabog na akala nila ay atomic bomb ang tunog at halos mabasag na ang likurang bintana ng nadaang sasakyan.
Sa isa pang footage ng isang dashcam mula naman sa kabilang direksyon, nakunan din ang mga dumi, opo dumi na umuulan sa mga dumaraang sasakyan na tila ay ulan na umaagos sa windshield ng mga sasakyan.
Tila baga ay putik na tubig ang kulay na nahaluan ng duming tao ang nasabing kalat.
Sa panayam, nilinaw ng isang kawani na sumabog ang tubo ng dumi sa sewage pipe na ginagawa nito.
Nilinaw naman agad ng isang kawani na di sa accidental contact naganap ang pagsabog habang nagsasagawa ang construction ng pagkukumpuni sa kalsada.
Naputol kasi ang bagong lagay na tubo ng dumi sa sewerage pipe pagkatapos ng isang pressure test na nagdulot ng pagsabog ng mga laman nito palabas.
Maswerteng walang napinsala o nasaktan ngunit may mga sasakyan na napinsala naman sa nasabing pasabog ng lagim.
Agad naman nagpadala ng tauhan ang pamahalaan sa pinangyarihan ng insidente para sa clean up ng lagim na di makakalimutan ng kasaysayan.