Matagumpay na nakapag-sekyo ang 46th Infantry “Peacemakers” Battalion ng Philippine Army ng malaking cache ng armas mula sa mga miyembro ng komunista sa Barangay Sto. Niño, Paranas, Samar noong Pebrero 17, 2026.

Ayon sa ulat, naglunsad ng targeted combat at search operation ang Bravo Company matapos makatanggap ng impormasyon mula sa mga residente, na nagresulta sa pagkaka-sekyo ng high-powered weapon components, explosives, hand grenades, M79 grenade launcher, M16 upper receivers, at iba pang subversive materials.

Ayon kay LTC Marvin A. Inocencio, Commanding Officer ng 46IB, pinapakita ng operasyon ang bisa ng tuloy-tuloy na military efforts at kooperasyon ng komunidad sa pagpapaigting ng kapayapaan at seguridad sa Samar.

Sinabi rin ng Philippine Army na patuloy ang pakikipagtulungan sa local government units at iba pang stakeholders upang palakasin ang focused military operations at itaguyod ang peace and development programs para tuluyang masira ang natitirang network ng insurgents sa Eastern Visayas.