Nag-iwan ng abo ang sunog na naganap sa gilid ng Bangus Street sa Salmonan Area sa Barangay Aquino sa Agdao sa lungsod ng Davao nitong nakaraan.

Agad namang napigil ng mga kasapi ng BFP sa lungsod at mga kawani ng City DRMMO ang pagkalat ng apoy. Wala namang nasawi, nasaktan o nawala sa insidente. Faulty wiring umano ang dahilan ng insidente.