Ipinahayag ni MP Atty. Suharto M. Ambolodto, MNSA ang taos-pusong pasasalamat sa mainit na pagtanggap mula sa Embahada ng Malaysia sa Manila sa kanilang kamakailang pagbisita.
Ayon kay Ambolodto, ang pagpupulong kasama si Dato’ Abdul Malik Melvin Castelino bin Anthony, Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary ng Malaysia sa Pilipinas, ay nagbigay-daan sa mas malalim na ugnayan at pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang bansa.
Itinuring ng mga dumalo ang aktibidad bilang pagkakataon upang patibayin ang pagkakaibigan, batay sa mutual respect at shared values.
Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ang mga oportunidad para sa kooperasyon sa Islamic Banking at Finance, pagpapahusay ng Halal Audit capabilities, at pagpapalawak ng kalakalan at negosyo sa rehiyon ng Bangsamoro.
Binigyang-diin ni Ambolodto ang pagpapahalaga sa hospitality ng embahada at sa kanilang suporta sa inclusive economic growth para sa Bangsamoro. Ayon sa kanya, ang engagement ay naglatag ng matibay na pundasyon para sa mas produktibo at matatag na partnership sa hinaharap.

















