Isang Malaysian national ang naaresto ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC–NAIA) matapos mahuli sa pagtatangkang magpasok ng ilegal na droga sa bansa sa NAIA Terminal 1 noong Pebrero 28, 2026.
Ayon sa ulat, napansin ng mga tauhan ng Customs ang checked-in luggage ng suspek at agad itong iniinspeksyon. Natuklasan dito ang tinatayang 16.526 kilo ng puting kristalin na pinaghihinalaang shabu (Methamphetamine Hydrochloride) na may halagang humigit-kumulang ₱112,376,800 sa merkado.
Pinangunahan ang operasyon ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF), katuwang ang NAIA–Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA–IADITG).
Kasama sa kasong kinakaharap ng suspek ang paglabag sa Section 4, Article II ng Republic Act No. 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

















