Ligtas na nailikas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 210 pasahero at 15 crew members ng motor launch na AS Express 2 matapos makaranas ito ng problema sa steering at rudder sa karagatan malapit sa Baluk-Baluk Island, Basilan, nitong Lunes, Pebrero 2, alas-4:47 ng umaga.

Ayon sa PCG, nagmula ang biyahe ng barko sa Banguingui, Sulu patungong Zamboanga City nang biglang magka-malfunction ang nasabing sasakyang pang-dagat.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente. Tiniyak ng PCG na maayos at ligtas ang pagluwas at pagdadala sa lahat ng pasahero sa ligtas na lugar.