Isang resolusyon ang isinumite sa Kamara ng anim na miyembro nito na naglalayong imbestigahan ang diumano ay misused o maling pagwaldas ng pondo ng BARMM Government.
Ang House Resolution Number 2199 ay naglalayong magsagawa ng pagdinig In Aid of Legislation sa ilalim ng House Committee on Public Accounts at iba pang masasamang kumite rito.
Batay sa resulusyong inihain, nais ng nasabing pagdinig na alamin ang napaulat na deposito sa bangko na aabot sa kalahating milyong piso hanggang two point five na milyong piso bawat isa sa apatnaraan na barangay sa Lanao del Sur.
Galing umano sa tanggapan ng Punong Ministro ang nasabing pondo sabay withdraw at kuha upang gamitin sa umano ay Special Operations nito.
Pirmado nina Lanao del Sur Representatives Zia Adiong at Yasser Balindong, Maguindanao del Sur Representative Tong Paglas, Basilan Representative Mujiv Hataman, Sulu Representative Samier Tan at Partylist Representative Shernee Tambut ang nasabing resolusyon.