Dahil sa patuloy na banta ng monkeypox, muling ipinatupad ng Integrated Provincial Health Office ng Cotabato Province ang mahigpit na pagsusot ng facemask sa lahat ng health facilities sa lalawigan.
Sakop ng kautusan ang lahat ng pampubliko at pribadong ospital, barangay health stations, rural at city health units, at mga lying-in clinics sa buong North Cotabato.
Ang monkeypox ay nakukuha sa respiratory droplets, direktang kontak sa sugat o likido ng katawan, gamit na kontaminado gaya ng kumot o tuwalya, at matagal na pakikihalubilo sa matataong lugar.
Kaugnay nito, muling pinaalalahanan ang publiko na sundin ang Minimum Public Health Standards gaya ng tamang pagsusuot ng facemask, palagiang paghuhugas ng kamay, at pag-iwas sa pisikal na kontak upang mapanatiling ligtas ang lahat.