Tiklo sa ikinasang drug buy-bust operation ng Presinto Tres ng siyudad ang isang lalaki sa bahagi ng Purok Islam, MB Tamontaka sa lungsod ng Cotabato.

Kinalala ni PS3 Station Commander Rustan Deaño ang suspetsado na si Joharto Salik, 24 isang mangangahoy o lumber vendor na residente ng nasabing barangay.

Sa ulat ng pulisya, nakuha sa mangangahoy na si Salik ang tatlong pakete ng suspetsadomg shabu na nagkakahalaga ng 1,500.00 at nabawi naman ang buy bust money na ginamit ng operatiba sa suspek.

Naiturn-over naman sa Regional Forensic Unit BAR ang mga ebidensya para sa eksaminasyon.

Sa ngayon himas rehas na sa Presinto 3 ang suspek at mahaharap sa kasong may kinalaman sa paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.