Nag-commit ang mga manufacturer ng basic necessities at prime commodities (BNPCs) sa Department of Trade and Industry (DTI) na hindi magtataas ng presyo sa loob ng susunod na 30 hanggang 60 araw.

Kasama sa mga produktong hindi gagalaw ang presyo ay ang canned sardines, tinapay, instant noodles, kape, sabon, at kandila upang maibsan ang epekto ng taas-presyo ng petrolyo.

Bunsod nito, pananatilihin ng 21 manufacturers ang kasalukuyang Suggested Retail Price (SRP) ng mga pangunahing bilihin at commodity.

Ayon kay DTI Secretary Cristina Roque, layunin nito na protektahan ang mga konsyumer habang pabago-bago ang presyo ng mg produktong petrolyo.

Nagbabala rin ang DTI laban sa hoarding at pagtaas ng presyo, at hinikayat ang publiko na i-report ito sa ahensiya.