Himas rehas ngayon ang alkalde ng Pangantucan, Bukidnon na si Incumbent Mayor Miguel Ariola Silva, 59 anyos, dahil sa mga kasong kinakaharap nito na may kaugnayan sa sexual assault at statutory rape.
Kung matatandaan, sinilbihan ito ng warrant of arrest na inisyu RTC 10th Judicial Region, Branch 9, Malaybalay City, Bukidnon para sa dalawang (2) kaso ng Sexual Assault na may inirekomendang piyansa na P100,000.00 at Statutory Rape na walang piyansang inirerekomenda, na inilabas noong Disyembre 10, 2024 sa Malaybalay City, Bukidnon.
Nagawa pang magtago ng nasabing alkalde at itanggi ang mga paratang dito.
Ang alkalde ay kabilang pa sa mga kumakandidato bilang Gubernador ng probinsya ng Bukidnon.
Sa ngayon, kinustodiya na ng PNP Bukidnon Provincial Police Office ang naturang alkalde.