Nasawi sa pamamaril ang isang businessman ng barilin ito kahapon ng hapon sa bahagi ng Bulalo, Sultan Kudarat Town, Maguindanao del Norte.
Ayon sa ulat, magsasagawa sana ng sama-samang pagaayos o amicable settlement ang magkakamag-anak na may alitan ngunit nauwi ito sa madugong pamamaril na nagdulot ng pagkakasawi ng biktima na si Anwar Buwesan na residente naman ng Barangay Ragesi.
Suspek naman sa pamamaril ang tatlo na sina Maguid Mangelen, Tony Ansa at isang alyas Udtog. Lumalabas sa imbestigasyon ng kapulisan, naglalakad ang biktima kasama ang kabiyak nito at mga kasamahan ng makasalubong nito ang tatlong suspek at nagkaroon ng pagtatalo na nagbunsod sa pagbunot ng armas ng suspek at binaril nito ang biktima.
Matapos ang krimen, agad naman na tumakas ang tatlo sa di malamang direksyon. Samantala, nakakuha naman sa biktima ang kapulisan ng isang armas na may kargang bala, isang beltbag na itim na may nakalagay na dalawang pirasong sachet ng shabu, parapernalya at iba pa.
Patuloy naman sa hot-pursuit at imbestigasyon ang mga kapulisan para sa ikalulutas ng krimen.