Mapanganib na kalaban sa pulitika. Ito ang pagsasalarawan ng mga netizens sa alkalde ng Marawi City na si Mayor Majul Gandamra na inaakusahan na ginagamit ang batas upang mabura ang mga kalaban nito at mapanatili ang poder nito sa pulitika.

Ayon sa iba, matapang aniya na hinarap ng alkalde ang mga detractors nito at sinabi nitong hindi pa ipinapanganak ang pulitikong tatalo sa pangalang Gandamra at ang sinumang magtatangka ay kanyang ipapakulong.

Iniuugnay diumano ng mga netizens ang mga naging asta ni Gandamra sa pagkakaaresto ng bise alkalde nito na si Anouar Abdulrauf sa kasong pagpatay.

Politically motivated diumano ang pagkakaaresto sa bise at may paghihinala na may kinalaman dito si Mayor Gandamra. Bukod pa rito ang nangyari na pag-aresto sa dating bise nito na si Arafat Salic noong 2019 sa kasong rebelyon na diumano ay may bahid ng pulitika at ang alkalde ang may pakana.

Naniniwala ang mga residente na tila ay may manipulation of power na nangyayari sa lungsod at nananawagan ito na mawakasan na ang ganitong uri ng pulitika sa Marawi City.