Mag-auditor ka na lang!

Ito ang naging hamon ni Sagip Partylist Congressman Rodante Marcoleta sa kasamahan nito sa malapad na kapulungan na si ACT Teachers Partylist Congresswoman France Castro.

Ito ay kasunod ng pakikialam umano ni Castro sa imbestigasyon ng Commission on Audit o COA sa naging kwestiyonableng paggasta ng Confidential Funds ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte.

Ito rin ang naging iritable na tugon ng mambabatas sa naging pagdinig ng House Committee on Good Government nitong nakaraan lamang maging sa sarili nitong palatuntunan sa telebisyon.

Ayon kay Marcoleta, mas mainam na lamang na magbitiw bilang kongresista ang mambabatad na si Castro at mag-apply na lamang bilang auditor sa COA at mag-audit kung gusto nilang mapadali ang pag-imbestiga ng ahensya at makapaglatag ng maayos na konklusyon sa ibinabato nitong isyu sa bise presidente at sa tanggapan nito.