Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mahalagang tungkulin ng mga bagong kasapi ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) sa pagsusulong ng isang mas makatarungan at maunlad na Bangsamoro.
Sa panunumpa ng mga bagong miyembro ng BTA sa Malacañang ngayong Marso 24, 2025, ipinaalala ng Pangulo na nakataya ang kanilang pangalan at tiwala ng mamamayan sa kanilang paninilbihan.
“Huwag nating makakalimutan na ang inyong tungkulin ay para sa isang mas makatarungan at mas maunlad na Bangsamoro,” ani Pangulong Marcos.
Bukod dito, hinikayat din niya ang lahat ng lingkod-bayan na isabuhay ang mga pagpapahalaga ng Bagong Pilipino—disiplina, kahusayan, at pagmamahal sa bayan—bilang gabay sa kanilang paglilingkod.
Ang naturang panunumpa ay sinundan ng isang Grand Iftar, bilang pagpapakita ng pagkakaisa at paggalang sa pananampalataya at kultura ng mga Muslim sa bansa.