Hinihimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang mga kritiko na huwag munang mag-alala o magmadaling mag-isip na siya ay aalis sa posisyon.
Sa isang video statement, sinabi ng pangulo: “Huwag muna kayo masyado ma-excite dahil it’s not a life-threatening condition.” Ito ay matapos siyang makalabas ng ospital dahil sa naramdaman niyang hindi maganda ang kanyang pakiramdam, na kalaunan ay nakumpirmang diverticulitis.
“Wala, wag kayo mag-alala. The rumors of my death are highly exaggerated,” dagdag pa niya.
Aniya, tuga ng stress at pagtanda ang kanyang kondisyon, ngunit sa pangkalahatan ay maayos na ang kanyang kalagayan. “I’m fine. I’m feeling very different from the way I felt before; the problem has been fixed. What happened is that I apparently have diverticulitis. It’s a common condition among, apparently, people who are heavily stressed and, I have to admit, growing older.”
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, labis na “overworked” ang pangulo at pinayuhan siya ng doktor na magpahinga. Subalit, ayon mismo kay Marcos, hindi ito agad magagawa dahil sa dami ng kanyang gawain.
Nauna nang ipinaabot ng Malacañang na noong Miyerkules ng gabi, inilipat si Marcos sa ospital bilang precautionary measure dahil sa naramdaman niyang “discomfort.” Sa pahayag ni Castro, binanggit: “The president continues to carry out his responsibilities while under medical observation and has returned to Malacañang.”

















