Kinundena ni South Upi Mayor Reynalbert Insular ang pananambang-patay sa kanyang kapartner na si Vice Mayor Roldan Benito sa Barangay Bahar, South Upi kasama ng kanyang escort na si Weng Ramos, kahapon ng hapon.

Ikinasugat ng maybahay ni Benito at ng kanyang anak ang pananambang dito.

Inilarawan ni Insular na masipag at maasahang lingkod bayan si Benito na nagsusulong sa pag-unlad ng bayan, hustisya at kinabukasan ng South Upi.

Malaking kawalan anya si Benito sa kanyang pamilya at sa buong bayan ng South Upi.

Ikinalungkot naman ng alkalde ang sinapit nito at hiniling naman ang agarang paggaling ng kanyang asawa at anak na nakaligtas sa pananambang.

Ginagawa na anya ng lokal na pamahalaan katuwang ng PNP ang lahat upang mahuli ang mga salarin sa krimeng naganap.