Nanguna ang punong ministro ng BARMM at tumatayong pangulo ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP Ahod Balawag Ebrahim sa thanksgiving Kanduli at Oath Taking bilang UBJP members ng angkan ng mga Mastura na ginanap sa Kampo Darapanan, Sultan Kudarat Town, Maguindanao del Norte.
Layunin ng aktibidad ang pagpapatibay ng pagkakaisa at samahan ng mga lider sa naturang lalawigan.
Present sa nasabing kanduli ang angkan ng mga Mastura na pinangungunahan nina Congresswoman Bai Dimple, Governatorial Candidate Tucao, Sultan Kudarat Mayoralty Aspirant Datu Shameem at Sultan Mastura Mayoralty Aspirant Datu Armando Mastura.
Present din bukod kay Chief Minister si Maguindanao Del Norte Governor at UBJP Secretary General Abdulraof Macacua. Sa naging opening speech, binigyang diin ni Gov Sam ang pagkakaisa ng liderato na siyang magdadala ng kaunlaran sa probinsya at mahalaga aniya ang mapanatili ang respeto at pagmamagalan sa bawat isa para maging mapayapa ang bayan.
Sabay-sabay naman nanumpa ang angkan na pinangasiwaan ni CM Ebrahim. Sa kanyang talumpati ng pagtanggap, inihayag ni Governatorial Aspirant Datu Tucao na mas palalalimin nila ang pagkakaisa ng liderato ng lalawigan upang maging ehemplo sila ng mga mamamayan.
Pinasalamatan naman ni Ebrahim ang mga dumalo sabay sabi nito na ito ay patunay na lahat ay handang yumakap sa pamamahala na may pagmamahal, pagkakaisa, pagkakaunawaan at respeto.
Samantala, binigyang diin ni Congresswoman Bai Dimple na simulat sapul ay UBJP pa rin ang kanyang lokal na partido sa rehiyon. Gayunman, idiniin nito na hindi dapat mapaghiwalay ng pulitika ang bawat bangsamoro at gawin na lamang ang makakabuti para sa kapwa at sa bayan.