Isang sibilyan ang nagsuko sa isang Kagawad ng Barangay Bagua 2, Cotabato City ng mga hawak nitong matataas na kalibre ng armas at bala.
Kabilang sa mga isinuko kay Barangay Kagawad Fahmie Abdulaziz ay ang isang Uzi Submachine Gun, isang magasin maging tatlong bala nito.
Agad naman na itinurnover nf Barangay sa Cotabato City Police Station 4 ang nasabing mga armas. Isasailalim naman ng Regional Forensic Unit BAR sa eksaminasyon gaya ng Ballistic Exam ang baril na isinuko.
Ang kusang pagsuko na ito ay kabilang sa mas pinalakas na panawagan ng ikinauukulan laban sa mga di autorisado at di dokumentadong mga armas o loose firearms.