Inaasahan na ni Cotabato City Mayor at UBJP Standard Bearer na si Bruce Matabalao na magiging interesante o interesting ang takbo ng halalan sa susunod na taon sa lungsod.

Ito ay matapos na mabalitaan ng alkalde na magiging kalaban nito ang nakalaban nya noong una na si Former Mayor Cynthia Sayadi at ang incumbent na Vice Mayor Butch Abu.

Binigyang diin naman nito na sana ay hanggang sa patag ng pulitika na lamang ang kanilang tunggalian at hindi na sana umabot pa sa personalan.

Dagdag pa sa hinihiling bito na kunsino man sa kanila ang manalo sa susunod na taon ay magiging katulong pa rin sa pagsusulong ng magagandang programa at plano para sa lungsod.

Panghuli naman nito na kahilingan ay ang malinis at payapang halalan sa susunod na taon sa lungsod. Samantala, sinabi ni Matabalao na ang kanyang lamang sa mga katunggali ay ang kanyang gawa at track record na kung saan ipinagmamalaki nito ang mga napagtagumpayan na nitong pagawain at mga proyekto sa syudad na nagpabago ng kabuuang imahe ng lungsod sa una nito na termino.